top of page

Lamentillo Ilulunsad ang Night Owl sa Ilokano, Bisaya, Hiligaynon

September 18, 2023

Ang “Night Owl: A Nationbuilder’s Manual” na nakasalin sa mga wikang Ilokano, Bisaya, at Hiligaynon ay malapit nang ilunsad ayon sa may-akda nitong si Anna Mae Yu Lamentillo, Undersecretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at dating Build, Build, Build committee chair.


Ayon kay Lamentillo, ang edisyong Ilokano at Bisaya ay magsisilbing pagpupugay sa dalawang pinuno—si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, isang Bisaya, na dahil sa kaniyang bisyon ay naging possible ang pagsasakatuparan ng mga imprastrakturang kailangan ng bansa, kabilang na ang 29,264 kilometrong mga kalsada, 5,950 na mga tulay, 11,340 na estrukturang pangontrol ng baha, 222 evacuation centers, 150,149 na mga silid-aralan, 214 na mga paliparan, at 451 na mga daungan sa loob ng limang taon; at si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., isang Ilokano, na tumutupad sa pangakong ipagpatuloy ang mga proyektong pang-imprastraktura ng nakaraang administrasyon.


Samantala, ang edisyong Hiligaynon ay isang pagpupugay sa sariling lalawigan ni Lamentillo, ang probinsiya ng Iloilo.

Aniya, ang pagsasalin ng Night Owl sa ating mga lokal na wika ay nakatutulong sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng pagpapaunlad ng imprastraktura sa mas nakararaming Pilipino.


“Nararapat na ibahagi natin kung paanong sa pamamagitan ng Build Build Build ay napabuti natin ang buhay ng mga tao at naiangat ang mga komunidad, lalo na iyong mga dati ay walang access o nahihirapang ma-access ang mga paaralan, palengke, ospital, mga pagkakataon sa kabuhayan, at mga pangunahing serbisyo,” paliwanag niya.


Ang Night Owl, na isinulat ni Lamentillo at inilathala ng Manila Bulletin Publishing Corporation, ay nagsasalaysay ng paglalakbay ng bansa tungo sa pagpapabuti ng buhay at masaganang pagkakataon na dulot ng Build Build Build ni dating Pangulong Duterte. Isinalaysay din nito kung paano nalampasan ng DPWH, sa ilalim ng pamumuno ni noo'y Kalihim Mark A. Villar, ang mga hamon ng right-of-way, ghost projects, at hindi naabot na mga deadline sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya at pagpapalakas sa mga hakbang sa transparency at accountability.


Kasama rin ang isang kabanata sa digital infrastructure program ni Pangulong Marcos Jr. sa ilalim ng kaniyang Build Better More—na itinataguyod ang mga nasimulan ng Build Build Build at nagdagdag ng isang malakas na digital infrastructure program upang matiyak na ang lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng access sa abot-kaya at maaasahang internet—na magbibigay sa mga Pilipino hindi lamang ng mga pagkakataong matuto ng mga bagong teknolohiya kundi pati na rin ng access sa online learning, telemedicine, online banking, at iba pang digital na serbisyo.

Next Item
Previous Item
Back
bottom of page