Lamentillo Tinalakay ang Digital Cooperation sa Ambassador ng Lao PDR
December 14, 2022
Nagsagawa ng courtesy visit si Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations Anna Mae Yu Lamentillo kay Ambassador Sonexay Vannaxay ng Lao People’s Democratic Republic (Lao PDR) upang talakayin ang mga posibleng larangan ng digital cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Lao PDR.
Ibinigay ni Lamentillo sa Ambassador ang zero draft ng Memorandum of Understanding on Digital Cooperation sa pagitan ng DICT at ng Ministry of Technology and Communications (MTC) ng Lao PDR, na kinabibilangan ng cybersecurity bilang larangan ng kooperasyon.
“Ipinarating ni Ambassador Vannaxy na nais ng Ministry of Technology and Communications ng Lao PDR ang pakikipagtulungan sa cybersecurity, bukod sa iba pa. Umaasa sila na ang ating mga bansa ay maaaring magsagawa at lumahok sa mga pagsasanay at mga aktibidad sa pagpapaunlad ng human resource patungkol sa cybersecurity,” ani Lamentillo.
Ang DICT, sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Ivan John Uy, ay nakikipag-ugnayan sa iba pang mga bansa para sa higit pang pakikipagtulungan, pagpapalitan ng kaalaman, teknikal na kadalubhasaan, at pinakamahusay na kasanayan sa digitalization, bukod sa iba pang mga hakbangin.
Pinangungunahan ni Lamentillo ang mga pagsisikap ng Departamento kaugnay sa Build Better More thrust ng Administrasyong Marcos, na naglalayong palawakin at pahusayin ang digital na imprastraktura ng bansa at palakasin ang mga inisyatiba ng ICT tungo sa tinatawag na isang truly digital Philippines.