top of page

Lamentillo, Manila Bulletin launch Night Owl Podcast

February 13, 2024

Ilulunsad na ng Manila Bulletin at ng kolumnista nitong si Anna Mae Yu Lamentillo ang bagong podcast na pinamagatang, Night Owl, na available sa 19 na streaming platforms.


Ito ang unang podcast para sa Manila Bulletin, isa sa pinakamatandang pambansang broadsheet ng Pilipinas sa edad na 124 taon.


Ayon kay Lamentillo, na may-akda ng Night Owl column sa Op-Ed section ng Manila Bulletin, magtatampok ang podcast ng iba’t ibang mga paksa, kabilang ang artificial intelligence (AI) apocalypse, walkable cities, intermodal transportation network, batas at kapaligiran, bukod sa iba pa.


“Nagsimula kami sa isang kolum, ginawa itong libro, at ngayon ay isang podcast na rin ang Night Owl. Ito ay kabilang sa aming pagsisikap na maging bahagi ng iba’t ibang platform upang mas marami kaming maabot na publiko. Ang Night Owl podcast ay magsisimulang itampok ang mga kuwento tungkol sa Build Build Build, at magpapatuloy na talakayin ang iba’t ibat mga paksang may kaugnayan sa ating lipunan ngayon,” ayon sa dating Chairperson ng Build Build Build Committee ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


“Nagpapasalamat ako sa Manila Bulletin sa matibay na suporta nito upang maipakita ang Night Owl sa iba’t ibang plataporma ng komunikasyon. Ito ay patunay na kahit isa ito sa pinakamatandang pahayagan sa bansa, nakakasabay ito sa panahon,” ani Lamentillo.

Available ang Night Owl podcast sa mga sumusunod na streaming platform: Spotify, Apple Podcast, Podcast Index, Deezer, Podcast Addict, Player FM, Castro, Castbox, Podfriend, Goodpods, Overcast, Amazon Music, IHeart Radio, Pocket Casts, Listen Notes, Podchaser, Audible, Feature.FM, at Soundcloud.


Malapit na rin itong maging available sa Google Podcast.

Next Item
Previous Item
Back
bottom of page