top of page

Harry Roque, Spoxman ng Bayan


Siya ay dating spokesperson ng Pangulo, at ngayong tumatakbo siya sa pagka-senador, nais ni Atty. Herminio “Harry” L. Roque na maging “Spoxman ng Bayan”— siya ang magiging tagapagsalita ng mga walang boses sa lipunan at ipaglalaban niya ang mga walang kalaban-laban.


Si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-endorso sa pagkandidato ni Atty. Roque. Ayon sa pangulo pinili niya ang propesor ng UP Law bilang kaniyang tagapagsalita dahil sa pagiging totoo nito. Pinuri rin niya ang katalinuhan at kadalubhasaan ni Prof. Roque bilang isang abogado, lalo na sa international law.


Si Prof. Roque ay isang respetadong human rights lawyer. Siya ay isa sa mga expert sa International Law sa Asya, at naging presidente ng Asian Society of International Law.


Mayroon na rin siyang karanasan sa paggawa ng batas dahil nagsilbi na siya bilang party-list representative sa House of Representatives. Siya ang nag-akda ng mga batas sa Universal Health Care, libreng irigasyon sa mga magsasaka, national policy para sa HIV at AIDS, libreng tanghalian sa elementarya, at libreng matrikula sa mga state universities and colleges (SUCs).


Agarang hustisya para sa mga biktima ng krimen


Si Prof. Roque, na tumatakbo sa ilalim ng UniTeam nina dating senador Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte, ay may solidong track record bilang isang abogado. Nakamit niya ang criminal convictions para sa mga pumatay sa 19 na mamamahayag na kasama sa Ampatuan Maguindanao Massacre case at ang pumatay sa miyembro ng LGBT na si Jennifer Laude. Pinaglaban din niya ang mga Malaya Lolas, isang grupo na kumakatawan sa mga comfort women noong World War II.


Dahil sa kaniyang karanasan sa mga kasong ito, nais ni Prof. Roque na magsabatas ng mga reporma sa sistema ng hustisya upang mapabilis ang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng karumal-dumal na krimen at iba pang mga pagkakasala. Nais niyang magkaroon ng Victims Compensation Fund kung saan babayaran agad ng gobyerno ang civil damages sa mga biktima, at ang nahatulang suspek ang magbabayad sa gobyerno.

Imumungkahi din niya ang ‘three-day court hearing rule’, na gagawing mandatory para sa lahat ng korte na lutasin ang mga kaso sa loob lamang ng tatlong araw. Sinabi ni Prof.


Roque na ibabalik nito ang 'inquisitorial system' noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas kung saan ang mga hukom ng korte ay papayagang mangalap ng ebidensya ng isang kaso. Binabawasan ng sistema ang mahabang proseso ng cross-examination ng mga testigo.


Rights-based platform


Sakaling maging senador siya, pangako ni Prof. Roque na isusulong niya ang kanyang platapormang nakabatay sa karapatan sa kalusugan, hustisya, at serbisyong panlipunan. Mag-iisponsor siya ng mga batas sa mas mabuting pagpapatupad ng pangangalagang pangkalusugan, paglikha ng kabuhayan para sa mga Pilipinong naapektuhan ng pandemya at kalamidad, mga reporma sa sistema ng hustisya, at pagwawakas ng kagutuman sa bansa.


Bilang pangunahing sponsor ng Universal Health Care Law, sisiguraduhin niyang mababawasan ang katiwalian sa ating sistema ng kalusugan. Maghahain siya ng panukalang batas na magtutulak sa mas mahigpit at maayos na pagpapatupad ng mga proseso ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth), tiyakin ang mas mahusay na pangangasiwa sa ahensya, at kung hindi maaalis ang katiwalian, palitan ang PhilHealth ng ahensya ng National Health Services.


Ihahain din niyang muli ang isang panukalang batas na lumilikha ng Commission on the Right to Adequate Food upang makamit ang “zero hunger.” Ang panukala ay naglalayong tukuyin ang dapat na halaga ng pagkain na ibinibigay sa sinumang taong dumaranas ng kagutuman okulang sa nutrisyon, magbigay ng physical at economic access sa pagkain, at mag-set up nang maayos na pamamahagi, pagproseso at sistema ng pamilihan.


Isusulong niya ang “Teach for the Philippines Act,” na maglalayong makipagtulungan sa mga non-government organizations para magkaloob sa mga natatanging guro sa mahihirap na komunidad upang mabigyan ang mga bata ng mas magandang edukasyon at magandang kinabukasan; at ang “Community Health Workers Act” na magtataguyod ng preventive medical care para sa mga kababaihan, lalo na ang mga nakatira sa mahihirap at malalayong komunidad.


Sisiguraduhin din niya na magkakaroon ng sapat na budget ang Department of Migrant Workers at ang mga overseas Filipino worker (OFWs) ay mabibigyan ng sapat na benepisyo lalo na sa kanilang pangangalagang pangkalusugan.


Walang duda na maisasakatuparan ni Prof. Harry Roque ang kanyang legislative agenda. Alam niya ang batas, ginamit niya ang batas para sa hustisya, at sa maikling panahon na nasa Kongreso siya ay nakapagpasa siya ng apat na mahahalagang batas. Kapag siya ay naupo sa senado ay maipagpapatuloy niya ang paggamit ng batas para magbigay ng tunay na pagbabago sa ating lipunang.

Commentaires


bottom of page