top of page

Rollout of SIM Registration in Calumpit, Bulacan

Municipal Covered Court of Calumpit

Magandang umaga po sa lahat.

 

Unang-una, nagpapasalamat po ako sa mga residente ng Calumpit, Bulacan sa pakikiisa sa SIM registration. Ginagawa po natin itong assisted registration para masiguro na ang ating mga kababayan sa mga lugar na mahina ang signal ng internet ay makakapag-rehistro ng kanilang mga SIM. Kasama po natin ang mga telco at ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na katuwang ng DICT at NTC sa layuning ito.

 

Napaka-importante ng SIM registration. Ito ang unang batas na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos at layunin nito na protektahan tayo laban sa mga masasamang loob na gumagawa ng scam sa pamamagitan ng tawag at text. Ngayon po ay nagagawa pa nila ito, pero kapag lahat na ng SIM ay naka-register, mayroon ng pagkakakilanlan ang mga SIM kaya inaaasahan natin na malaki ang mababawas, kung hindi man tuluyang mawawala, ang mga scam na ito.

 

Kaya patuloy ang paghihikayat natin sa lahat ng gumagamit ng SIM at eSIM na magparehistro na po kayo. Walang exempted sa SIM Registration Law. Pagkatapos ng implementation period at hindi nairegister ang inyong SIM card, hindi nyo na po magagamit ang inyong SIM. Samantalahin po ninyo ang ating assisted registration dahil dito po ay siguradong matutulungan namin kayo at ng mga telco kung kayo ay may concerns sa pagpaparehistro ng inyong SIM.

 

Nais din po namin paalalahanan ang ating mga kababayan na kapag nawala o nanakaw ang inyong registered SIM, i-report ito agad sa inyong telco provider upang maiwasan na magamit ng masasamang loob. Ang pagbebenta ng stolen SIM ay may parusa sa ilalim ng batas. Gayundin naman, sinisigurado din natin ang data privacy. Sa ilalim ng batas, obligasyon ng mga telco na siguraduhing ang impormasyong ibinigay ng subscriber noong siya ay nagparehistro ay dapat ingatan at protektahan sa lahat ng oras. 

 

Sa pagsasabatas ng SIM Registration Law, ang nais po ng Pangulo ay siguraduhing ang mga makabagong teknolohiya ay makatutulong, at hindi makakasama, sa mga Pilipino. Isa lamang po ito sa mga programa ng ating Pangulo at ng DICT, sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Ivan Uy, para isulong ang digitalization. Asahan po ninyo ang iba pang mga programa para palawakin ang koneksyon sa mga unserved at underserved communities, mapabuti ang produktibidad at kahusayan ng pamahalaan sa paghahatid ng mga serbisyong pampubliko, siguraduhing mas maraming Pilipino ang makakabahagi sa digital economy, at makatulong sa mas mabilis na pag-unlad ng bansa.

 

Maraming salamat po.

bottom of page