top of page

Lamentillo, nagtapos mula sa PSG Training Program

March 22, 2023

Bahagi na ngayon ng Presidential Security Group (PSG) si Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo matapos makompleto ang VIP Protection Executive Training (VIPPET) ng PSG Training School.


Si Lamentillo, na isang Commodore ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA), ay nagtapos sa VIPPET ng PSG bilang bahagi ng Class 02-2023, Batch Protego, noong Marso 21, sa isang seremonyang pinangunahan ni PSG Commander, Brigadier General Ramon P. Zagala.


“Isang karangalan na maging bahagi ng PSG at ng kanilang marangal na tungkulin na protektahan ang Pangulo na kumakatawan sa estado,” ani Lamentillo.


Ang PSG ay isang piling puwersa ng mga sundalo at sibilyan na ang pangunahing responsibilidad ay protektahan ang Pangulo, ang unang pamilya, at iba pang mga dignitaryo.


Nitong Enero lamang, opisyal na naging bahagi si Lamentillo ng PCGA bilang Auxiliary Commodore (one-star rank). Ang PCGA ay isang unipormadong civilian volunteer organization na sumusuporta sa Philippine Coast Guard sa pagtataguyod ng kaligtasan ng buhay at ari-arian sa dagat. Kasama sa mga tungkulin nito ang proteksyon sa kapaligirang pandagat, paghahanap at pagsagip sa dagat, kaligtasan sa dagat, at mga ugnayang pamayanan sa dagat.

Si Lamentillo ay isa ring Army reservist na may ranggong 1st Lieutenant.

Next Item
Previous Item
bottom of page