top of page

Lamentillo, Inspiring Young Filipino Awardee ng Lazada

July 4, 2023

Kinilala ng Lazada Philippines bilang isang “Inspiring Young Filipino” si Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo.


Ang pagkilala ay iginawad kay Lamentillo sa Lazada Run na ginanap sa SM Mall of Asia Concert Grounds, Pasay City noong Hulyo 2, 2023.

Ang nasabing award ay kumikilala sa makabuluhang kontribusyon sa bansa ng mga pinarangalan, partikular na ang positibong epekto nila sa mga kabataan.


“Nagpapasalamat ako sa pagkilalang ito ng Lazada Philippines. Ako ay naniniwala na ang edad o kasarian ay hindi dapat maging hadlang kapag gusto mong makamit ang isang bagay, lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng lipunan. Sa pagtanggap ng parangal na ito, ipinapahayag ko ang aking patuloy na pangako sa pakikipag-ugnayan sa mga kabataan na maging aktibong kalahok sa nation-building,” ani Lamentillo.


Si Lamentillo, na isang student leader noong siya ay nasa kolehiyo sa University of the Philippines Los Banos (UPLB), ay Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations ng DICT. Siya ang pinakabatang undersecretary ng kasalukuyang administrasyon.


Bago ito, siya ang chairperson ng Build, Build, Build Committee ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ang concurrent chairperson ng Infrastructure Cluster Communications Committee.

Next Item
Previous Item
bottom of page